Search Latest Updates:

Mayweather vs Ortiz Online Live Streaming

Mayweather vs Ortiz Online Live Streaming, News and Updates, Mayweather Ortiz 24/7

Sunday, January 4, 2009

Pacquiao fight with Hatton under negotiation | Tagalog Dialect

Live over the phone ay nakausap ni Joey de Leon sa Startalk nitong Sabado si Manny Pacquiao na kasalukuyang nasa Los Angeles , U.S.A. kunsaan, isinilang ni Jinkee Pacquiao ang kanilang pang-apat na anak na si Queen Elizabeth noong Miyerkules, December 31, Manila time.

Unang tanong nga ni Joey ay kung ano ang pakiramdam ni Manny na daddy na naman siyang muli?

"Masaya! Mukhang feeling ko, tumatanda na ‘ko," natatawang sabi ni Manny kunsaan, maririnig sa background ang boses naman ng dalawa niyang anak na lalaki na sina Jemuel at Michael.

Sumunod ay kinumusta naman ni Joey si Jinkee.

"OK naman siya at nagpapahinga na."

Biro ni Joey, bigla raw binansagang "cut man" si Manny dahil hindi niya iniwan si Jinkee habang nagle-labor at si Manny pa mismo ang gumupit sa pusod ng anak. Cut man refers to a member of a boxer's entourage who is in-charge of treating the boxer's cuts and wounds during a match.

May balita rin na dapat ay makakasama nila ang inang si Aling Dionisia, ano't hindi raw ito natuloy sa Amerika?

"Hindi pa naaasikaso ang passport niya! Hindi niya alam ang birth certificate niya kung saan kukunin, e," natatawang sabi ni Manny.

Dahil sa U.S ipinanganak, masasabing U.S. citizen na nga ang bunsong anak ni Manny. Pero nang tanungin kung saan balak ni Pacman pabinyagan ang anak, "Hindi pa alam, pero, baka diyan sa Pilipinas," sagot agad niya.

Tinanong na rin ni Joey ang tungkol sa napapabalitang susunod daw na laban ni Manny ay kay English champion Ricky Hatton. Nasulat na raw ito noong Thursday, pero, mas maganda nga naman kung si Manny mismo ang magko-confirm at kung totoo ngang sa May of this year na ito magaganap.

"Ang negosasyon is still going on, pero, hindi pa talaga final. Kung sakali man matuloy, e. May 2. Pero wala pang kumpirmado. Hindi pa nakumpirma. May kailangan pang pag-usapan na mga bagay-bagay."

Hatton is the current Ring Magazine Junior Welterweight champion.

Doon daw ba sa England magaganap ang laban?

"E, ako naman kahit saan," confident na sagot ng kampeon.

Ibinalita rin ni Joey sa Startalk na si Manny ang napiling "Fighter of the Year" ng Yahoo Sports, WBC, Ring Magazine, ESPN at iba pang sports website. Ano raw ang masasabi ni Manny sa lahat ng ito?

"Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa Mahal na Panginoon dahil sa Kanya nanggagaling ang lahat ng ito. At karangalan nating lahat, hindi lang para sa akin kundi para sa ating mga Filipino. Saan mang sulok ng mundo, meron tayong maipagmamalaking karangalan."

Joey asked the champ, kung meron daw bang New Year's wish si Manny.

"Alam n'yo, wish ko kay Lord, sana magmahalan ang lahat at mabawasan ang mga pamilyang naghihirap sa ating bansa. At wala nang masyadong pamilyang magugutom."

Posible raw na bago ang January 12 ay makauwi na sila sa bansa in time para naman sa pagre-resume ng klase ng kanyang mga anak.- Philippine Entertainment Portal

Source: http://www.gmanews.tv/story/142502/Pacquiao-fight-with-Hatton-under-negotiation

Social Bookmarking

No comments:

In your opinion,how will the pacquia-Hatton match will end?

Blog Disclaimer

This is a personal blog that aims to share online information about the upcoming fight. This blog is a collaborative effort of individuals who are currently registered members of other online community sites. This does not claim any form of ownership or copyright in the materials found in this blog. Most of the contents featured in this blog come from other sites. The said materials are owned by those sites where these resources are posted.